Linggo, Hulyo 3, 2011

ang gulo...

ang gulo gulo ng utak ko .. bakit ako ganito . .bakit ako nag iisip ng masama sa ibang tao .. ano bang meron sakin .. di ko alam kung bakit ako nag kaka ganito di ko alam kung may nagawa ba akong kasalana . para ma takot .. my help a lot to study ..but now parang sila ang nag papa gulo ..ohh God help me .. Protect in my everydday life...

Sabado, Hunyo 11, 2011

ANG UTAK NG PRANING: ARAW NG KALAYAAN

ANG UTAK NG PRANING: ARAW NG KALAYAAN: "Araw ng kalayaan totoo nga ba o isang pangap lamang , malaya nga ba tayo o nag lalaya-laya an lang . hangang ngayon base parin tayo ng milit..."

ARAW NG KALAYAAN

Araw ng kalayaan totoo nga ba o isang pangap lamang , malaya nga ba tayo o nag lalaya-laya an lang . hangang ngayon base parin tayo ng militar ng amerikano . at wala tayong kakayahan lumaban sa ibang bansa . inaangkin ng dayuhan ang isla natin . at ang mga ugali ng unang bansang sumakop sa atin ay nanatiling naka daloy sa mga opisyal natin na naka upo.

hangang ngayon may corruption pa rin na pilit nag papahirap sa mga kababayan natin . kaya ang mga kawawang anak ng bayan ay gumagawa ng paraan upang manlamang ng tao upang mabuhay. kung di man eh papasok sa mga trabahong di kaaya-ayang pakingan at pinag babawal. hirap na hirap naba si pepe , matayog pa rin kaya ang lipad ng kanyang sarangola.

Shabu,Bato,Chrome oo itong drogang to isa sa mga bagay na nag papahirap sa bansa natin . dumadame na ang adik pa bata ng bata ang mga gumagamit nito . dati bihira lang ang makikita mo sa t.v na babae na gumagamit ng pinagbabawal ng gamot . ngayon dumadame na sila at pinag papalit nila ang sariling katawan .nasan si maria clara . oo moderno na ang panahon pero hindi naman siguro magandang pa kingan na pati mga ibang babae na sasangkot dito. mag kano ang halaga ng bato P500 sa pa nandaliang kasayahan lamang sabihin na natin na tumatagal ito ng 12 oras kung ano man ang trip nila pero di ko parin ma isip kung bakit sila natutuwa sa ganon. sa ganong halaga eh may pang kain kana ng dalawang araw o taltlo mabibigayan muna ng pang baon ang anak mo , mapapasyal mo sila sa luneta sa sm o kung saan man nila gusto pumunta. nakaka-lungkot isipin eh ang karamihan na tumatangkilik sa bisyong ito ay mga masasabi nating walang kakayahan mag pa-aral ng anak. anak naman ng kwa-kwa wala ka na nga pang pa aral sa anak eh na gamit ka pa.

Pero sa kabila ng pag hihirap natin eh nanatili tayong masayahin at lumalaban sa buhay . sa aking pananaw malaya ang bansa. tao lang ang nag iisip na di tayo malaya , na pangit ang gobyerno natin . na wala tayong pag kaka isa. pero kung babaguhin natin ang pananaw natin at mag kaka sundo lahat , taga ibang lugar kaman pilipino man o kahit hindi pilipino pero mahal ang pilipinas .kung matutupad lahat ng batas , kung susunod lahat ng pilipino at mag kaka isa . di lalaon ay tayo ang mangunguna sa asya , sa dahilang maganda ang pilipinas , madameng matatalino , kaya nating mag salita ng dalawang lenguahe o higit .

dahil mahal ko pilipinas susubukan kung gawin ang lahat ng makakaya ko. tumupad sa lahat ng batas , rumespeto sa bawat pilipino at sa bandila , mahalin ang kapwa at ang inang bayan. MALIGAYANG KA ARAWAN INANG BAYAN.

lubos na nag mamahal Praning
 .

Huwebes, Hunyo 9, 2011

....

pinag mamasdan kuna lang ang litrato mo . di na kita ma ka usap na wala kasi cell phone ko . totoo na mimis na kita kahit nung huling usap natin eh . alam kung ang labo natin pareho . parang sa moon ka at nan dito naman ako sa earth. na alala ko yung araw na sinagot mo ko yung mga araw nag uusap tayo araw araw . mga masasayang ala-ala na hangang ngayon dapat ko ng ka limutan . siguro di mag tatagal eh malalapitan na ulit kita , makaka usap, makaka sabay tumawa , kumain , ma tulog , at mag sasabihan ng ilove you.. na mimis ko yung araw na yun. di ko sinasadya na umalis di ko rin sinasadya na masaktan ka sa mga sinasabi ko . ngayon na lulungkot ako bakit kita sinaktan  at tuluyan mong iwanan. pero hangang ngayon umaasa pa rin ako na papatawarin mo ako at muli mong balikan

Sabado, Mayo 28, 2011

ebook

ang lamig at ang hirap mag hanap ng ebook. pero kahit alam kung bawal at masama gumamit ng ebook dahil pinipirata ko ang author ng libro eh wala akong magagawa di ko naman kayang bumili ng libro nila(sorry) at tsaka ma iintindihan naman cgro nila yun(sa aking pananaw). kaya nag papa salamat ako sa mga na kukuhaan kung ebook kung di dahil sa inyo eh d ako makaka pag aral ng php at mysql, java for dummies at kung ano-ano pang mga programing book. di naman ako kumukuha ng e-books na mga novel kc alam kung maliit lang ang kinikita nila tapos ma pipirata din. salamat sa ebook at sorry sa author 

nag mamahal praning(<---guilty)

Lunes, Mayo 16, 2011

Basura.

Tapon ko Basura ko
                Internet nanaman ang pag tataponan ko ng problema. Wala ako gaano ma pag labasan ng sama ng loob . ang hirap maging malakas kala ng lahat kaya mo yung dinadala mo pero minsan gusto ko sabihin teka lang . nang hihina na ako pwede pa alalay naman. Pero may isa akong kaibigan pag kailangan ko siya na sasabi ko bigla ang di ko masabi . na iinum ko siya dumadaloy sa katawan at pag din a kaya na i tutulog ko na lang ang sama ng loob.
                Pero ang the best way parin ka usapin sa problem eh si God siya lang naman na kaka alam ng lahat eh . tsaka talaga sa kanya lang ako kumakapit pag mabigat na ang nararamdaman ko . yung tipong may tatlong tao na akong buhat buhat at daragdag pa yung van na sa sobrang tagal umalis eh parang gusto mo na rin eh buhatin .
                Ang buhay ng tao ay di Masaya kung walang problema yan ang pag kaka-alam ko . isipin mo nga naman lagi ka na lang Masaya walang trill, wala kang i sosolve na problem , wala kang pwedeng payoan lahat Masaya , lahat nakatawa siguro kung makakaranas ka man ng ganito eh sigurado akong wala kana sa lupa kundi nasa langit kana. at ako kasi na niniwala sa bawat abala ay may ka palit na ginhawa -”maynilad” .  
                Kaya kung may problema kayo isipin mo na lang pag kain siya, kakagatin mo ngunguyain mo , pag ayaw mo ang lasa I tapon mo doon sa di muna makikita ng sa ganon di mo na xa mababalikan at maiiwan na lang doon . kakaiba yung utak ko ngayon puro drama , walng comedy , sabi nga ng payaso umiiyak din kame . pero ako I tatawa ko na lang hahahahaha :D
                                                                                                                                               
                

Lunes, Mayo 2, 2011

Ang Mahiwagang Alahas

Ang mahiwagang alahas                                                                                                                04/25/2011 1:15 PM
Dear internet
Na gising ako sa isang ma ingay na hagulgul at nakita ko ang lola na umiiyak. Di ko alam kung bakit? hangang nalaman ko na nawawala daw ang kwentas niya na ginamit nung lingo. Hangang ngayon di parin siya tumatahan para siyang mus mus na tila ba inigawan ng laroan. Kina usap ko siya upang malaman kung bakit panay parin ang iyak niya, kung bakit ayaw niyang kumain ,walang imik ang aking lola hangang bigla siyang sumigaw Mamatay na ako! Mamatay na ako! Di ko alam ang halaga ng alahas nayun pero para sa akin eh di siya mahalaga . ang mahalaga eh ang buhay niya kung pa tuloy niyang iniisip ito eh na tatakot ako  baka bigla nanaman siyang atakihin sa puso.wag naman sana
                Tinananong ko sa sarili ko ano ba ang kahalagahan ng alahas sa buhay ng tao. Kung bakit ganon mag react ang aking lola sa nawawala niyang alahas. at ang masakit pa dito parang handang mamatay ang aking lola dahil sa isang alahas . di niya ba alam na madameng nag mamahal sa kanya. na madameng pilit pinapaganda siya at inaalalayan . pero parang wala siyang pa kialam sa mga taong nag aalala sa kanya .
                Oo mahal kung internet kwento ito tungkol sa lola ko , wala ako mag pa labasan ng stress kaya dito na lang. sabagay ito naman ang pinili kung paraan mula pa noon na itapon sa internet ang mga nararamdamn kung di ko kaya. Di ko ma isip kung bakit ganoon , kung bakit madameng nabubuhay sa material na bagay at hinde sa kaligayan, kapayapaan at pagmamahalan.
                Oo parang ang daling sabihin pero kadalasan ito ang nakikita ko sa mga tao  at normal na tao at hinde normal na tao. Oo isang material na  bagay na pilit sisirain tayong lahat , na ipapalimut sa atin ang ibig sabihin ng pag papahalaga, pag mamahal , at kakalimutan natin ang pag mamahal sa kapwa , kundi mababalin ang atensyon nila sa mga bagay na minahal nila.
                Naguguluhan parin ako pero hangang ngayun di ko parin ma unawaan kung bakit ganoon mag react ng lola ko sa isang bagay na bigay ng kanyang anak na pinag bibitangan niyang kumuha nito. Alam ko weird , hula ko kulang sa alak ang lola ko , sa yosi , sa baboy , sa bingo , at kung anomang bagay na gusto niyang gawin.kahit di siya umiinom eh parang lasing siya umasta ngayun .para siyang na ka singhot ng softdrink , na kaamoy ng bato at na praning ka tulad ko .
                                                                                                               
                                                                                                                                Nag mamahal praning


Ang mahiwagang alahas (part 2)                                                                               04/26/2011 5:14 PM

                Muli nanaman nag ingay ang aking lola . kala ko okey na nung dumating ang aking tito kasi tahimik at tumatawa na siya. muli sa di malaman eh bigla nanaman siya nag wala . nag sisigaw demonyo ka! Demonyo ka ! sana di na lang kita binuhay si tatay lang naman ang may gustong buhayin ka.
                Doon ko nalaman na noon pa man ay gusto na palaglag ng aking lola ang aking ina , ma ayus naman ang trato ng aking ina sa aking lola binibilhan pa nga ng mga gamit pang simba ng aking ina . pero di ko talaga malaman kapag nawawalan siya ng gamit eh ang aking ina ang pinag bibitangan. Nasasaktan ako pag nakikita ko nag kaka ganoon ang aking lola at nasasaktan din ako pag sinisisi niya ang aking ina. Di ko rin ma intindihan kung bakit gusto niyang mamatay .
Ngayon nasa apat na alarma na ang situation sa bahay pinatawag na ang lahat ng mag kapatid ng aking ina sa maynila upang ma ayos ang situation , mukang mag kaka re union pa ata kame ng biglaan. pero di ko mawari ang ka gustohan ng aking lola na umuwi ng probinsya kanina na saksihan ko ang mga kondisyon na gusto niya una alisin mo ako sa bahay na ito pangalawa uwi mo ko ng probinsya
Bakit ba gustong gusto niyang umuwi wala naman mag aalaga sa kanya doon walang mag hahanda ng pag kain walang mag titimpla ng milo walang bibili ng pandesal at walang mag papainum ng gamot sa kanya tuwing nakaka limutan niya . alam ko na hinahanap niya ang lugar kung san siya na nirahan ng matagal. Pero hindi sapat para iwan niya ang mga nag aalala sa kanya dito sa maynila
Naririnig ko ang mga usapan ng aking mga tito at tita. pa uwiin na lang daw ang aking lola gusto kung mag salita na wag . walang mag babantay sa kanya sinong titingin at mag aalaga sa kanya mag papakain. At narining ko rin pa ulit ulit nag ka apo na nga siya sa tuhod ganon pa rin siya.
Mahal kung internet hindi ko alam ang aking nararamdaman di ko alam kung bakit nasasaktan nagugulohan at natatakot na baka pa uwiin nila ang aking lola sa probinsya. Madame na ang sumoko mag alaga sa kanya sa ameng probinsya at natatakot ako na baka lokohin lang siya doon. Sana matapos na ito sana Makita na ang mahiwagang alahas na wawala  sa kanya Panginoon tulongan nyo po kame kumalma at mag karoon ng maliwanag na pag isip ang aking lola .