Ang mahiwagang alahas 04/25/2011 1:15 PM
Dear internet
Na gising ako sa isang ma ingay na hagulgul at nakita ko ang lola na umiiyak. Di ko alam kung bakit? hangang nalaman ko na nawawala daw ang kwentas niya na ginamit nung lingo. Hangang ngayon di parin siya tumatahan para siyang mus mus na tila ba inigawan ng laroan. Kina usap ko siya upang malaman kung bakit panay parin ang iyak niya, kung bakit ayaw niyang kumain ,walang imik ang aking lola hangang bigla siyang sumigaw Mamatay na ako! Mamatay na ako! Di ko alam ang halaga ng alahas nayun pero para sa akin eh di siya mahalaga . ang mahalaga eh ang buhay niya kung pa tuloy niyang iniisip ito eh na tatakot ako baka bigla nanaman siyang atakihin sa puso.wag naman sana
Tinananong ko sa sarili ko ano ba ang kahalagahan ng alahas sa buhay ng tao. Kung bakit ganon mag react ang aking lola sa nawawala niyang alahas. at ang masakit pa dito parang handang mamatay ang aking lola dahil sa isang alahas . di niya ba alam na madameng nag mamahal sa kanya. na madameng pilit pinapaganda siya at inaalalayan . pero parang wala siyang pa kialam sa mga taong nag aalala sa kanya .
Oo mahal kung internet kwento ito tungkol sa lola ko , wala ako mag pa labasan ng stress kaya dito na lang. sabagay ito naman ang pinili kung paraan mula pa noon na itapon sa internet ang mga nararamdamn kung di ko kaya. Di ko ma isip kung bakit ganoon , kung bakit madameng nabubuhay sa material na bagay at hinde sa kaligayan, kapayapaan at pagmamahalan.
Oo parang ang daling sabihin pero kadalasan ito ang nakikita ko sa mga tao at normal na tao at hinde normal na tao. Oo isang material na bagay na pilit sisirain tayong lahat , na ipapalimut sa atin ang ibig sabihin ng pag papahalaga, pag mamahal , at kakalimutan natin ang pag mamahal sa kapwa , kundi mababalin ang atensyon nila sa mga bagay na minahal nila.
Naguguluhan parin ako pero hangang ngayun di ko parin ma unawaan kung bakit ganoon mag react ng lola ko sa isang bagay na bigay ng kanyang anak na pinag bibitangan niyang kumuha nito. Alam ko weird , hula ko kulang sa alak ang lola ko , sa yosi , sa baboy , sa bingo , at kung anomang bagay na gusto niyang gawin.kahit di siya umiinom eh parang lasing siya umasta ngayun .para siyang na ka singhot ng softdrink , na kaamoy ng bato at na praning ka tulad ko .
Nag mamahal praning
Ang mahiwagang alahas (part 2) 04/26/2011 5:14 PM
Muli nanaman nag ingay ang aking lola . kala ko okey na nung dumating ang aking tito kasi tahimik at tumatawa na siya. muli sa di malaman eh bigla nanaman siya nag wala . nag sisigaw demonyo ka! Demonyo ka ! sana di na lang kita binuhay si tatay lang naman ang may gustong buhayin ka.
Doon ko nalaman na noon pa man ay gusto na palaglag ng aking lola ang aking ina , ma ayus naman ang trato ng aking ina sa aking lola binibilhan pa nga ng mga gamit pang simba ng aking ina . pero di ko talaga malaman kapag nawawalan siya ng gamit eh ang aking ina ang pinag bibitangan. Nasasaktan ako pag nakikita ko nag kaka ganoon ang aking lola at nasasaktan din ako pag sinisisi niya ang aking ina. Di ko rin ma intindihan kung bakit gusto niyang mamatay .
Ngayon nasa apat na alarma na ang situation sa bahay pinatawag na ang lahat ng mag kapatid ng aking ina sa maynila upang ma ayos ang situation , mukang mag kaka re union pa ata kame ng biglaan. pero di ko mawari ang ka gustohan ng aking lola na umuwi ng probinsya kanina na saksihan ko ang mga kondisyon na gusto niya una alisin mo ako sa bahay na ito pangalawa uwi mo ko ng probinsya
Bakit ba gustong gusto niyang umuwi wala naman mag aalaga sa kanya doon walang mag hahanda ng pag kain walang mag titimpla ng milo walang bibili ng pandesal at walang mag papainum ng gamot sa kanya tuwing nakaka limutan niya . alam ko na hinahanap niya ang lugar kung san siya na nirahan ng matagal. Pero hindi sapat para iwan niya ang mga nag aalala sa kanya dito sa maynila
Naririnig ko ang mga usapan ng aking mga tito at tita. pa uwiin na lang daw ang aking lola gusto kung mag salita na wag . walang mag babantay sa kanya sinong titingin at mag aalaga sa kanya mag papakain. At narining ko rin pa ulit ulit nag ka apo na nga siya sa tuhod ganon pa rin siya.
Mahal kung internet hindi ko alam ang aking nararamdaman di ko alam kung bakit nasasaktan nagugulohan at natatakot na baka pa uwiin nila ang aking lola sa probinsya. Madame na ang sumoko mag alaga sa kanya sa ameng probinsya at natatakot ako na baka lokohin lang siya doon. Sana matapos na ito sana Makita na ang mahiwagang alahas na wawala sa kanya Panginoon tulongan nyo po kame kumalma at mag karoon ng maliwanag na pag isip ang aking lola .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento